TODAS ang dalawa katao makaraang holdapin ang bus sa Maharlika Highway, Concepcion, Sariaya, Quezon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Francisco Camacho Pedrajeta, kundoktor ng bus at ang dispatcher na si Giovinno Lisano.
Nabatid na sumakay ang mga hindi pa nakikilalang holdaper sa Lucena Grand Central Terminal at nagpanggap na mga pasahero ng Raymond bus na biyaheng Maynila galing Naga.
Nang nasa Barangay Concepcion na ay nagdeklara ng holdap ang mga suspek at ipinahinto sa drayber ang bus.
Dahil dito, nilapitan ng suspek ang konduktor upang kunin ang koleksyon ngunit tumanggi itong ibigay kung kaya binaril ang biktima sa ulo.
Agad namang nakatakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na walang plaka.
Isa naman sa mga suspek ang kinilala sa pamamagitan ng gallery ng wanted persons sa Sariaya na si Eugene Albay, pinaghahanap na ngayon ng awtoridad.
The post Bus hinoldap sa Quezon, 2 todas appeared first on Remate.