HINULI ng Bureau of Immigration (BI) ang Indian singer na si Babbu Maan o Tejinder Singh Maan sa tunay na buhay makaraang magsagawa ng konsyerto sa Lungsod ng Pasay.
Nabatid kay BI spokesperson Maria Angelica-Pedro, inaresto si Singh kasama ang iba pang mga Indian performer sa Cuneta Astrodome.
Sinasabing ang konsiyerto ni Singh ay bilang bahagi ng pagtulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.
Ngunit kinumpirma ni Pedro na walang indikasyon sa ticket ng concert ni Singh na ang kita nito sa nasabing aktibidad ay mapupunta sa mga biktima ng delubyo sa Region 8.
Dagdag pa ni Pedro na kahit maging sa grupo sa NAIA na dumating ay hindi rin nabanggit ang gagawin nilang concert na ibibigay para sa mga biktima ng kalamidad.
Giit ni Pedro, dapat na naiproseso ng ahensya ang pagkakaloob sa kanila ng gratis work permit bilang pagtalima sa pagpapaluwag ng immigration formalities kasunod ng pagtama ng bagyo sa bansa.
Una nang dumating sa Pilipinas ang naturang mang-aawit noong December 3, na pinayuhan ng BI supervisor na kinakailangang kumuha ng Special Work Permit bago ang concert.
The post Indian singer hinuli sa mismong concert sa Pasay appeared first on Remate.