MASUSING kinakalkal ngayon ng Baguio City Police Office ang tunay na dahilan sa pinaniniwalaang pagpapakamatay ng camera man ng isang TV network sa Baguio kagabi.
Sa kasalukuyan, isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktimang si Eugene Flores, 28, ng Fairview, Baguio City at empleyado ng GMA-Dagupan, para malaman kung totoong nagpatiwakal ito.
Una rito, pinaniniwalaang nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng paggamit ng isang pajama na itinali sa kanyang leeg mula sa ikalawang deck ng kama ng silid ng girlfriend sa Alfonso Tabora, Baguio City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bago ang pangyayari ay nagtalo muna ang biktima at kanyang nobya dahil sa paniwala ng biktima na may ibang kalaguyo ang girlfriend.
Dahil dito, umalis ang girlfriend mula sa kanyang boarding house at sa pagbalik ay nadatnan na lang ang wala nang buhay na biktima.
The post UPDATE: Suicide ng GMA-7 TV camera man, binubusisi na appeared first on Remate.