PATAY ang isang junior officer ng Philippine Army habang dalawang sundalo ang sugatan sa naganap na engkuwentro laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Surigao de Sur.
Kinumpirma mismo ni Captain Christian Uy, spokesman ng Philippine Army 4th Infantry Division, nakaharap ng tropa ng gobyerno ang tinatayang 30 rebelde na nagresulta sa 20-minutong bakbakan at pagkamatay ng isang second lieutenant habang dalawang private first class ang sugatan.
Inihayag ni Uy, na ang tropa mula sa elite 3rd Special Forces Battalion ay i-dineploy sa barangay Buhisan, San Agustin, Surigao del Sur, matapos makatanggap ng reports ng pangingikil ng mga NPA sa nasabing lugar.
Patuloy namang inaalam kung may casualty sa panig ng mga rebelde.
Pansamantalang ibinimbin naman ang pangalan ng napatay na opisyal at mga sugatan habang tinutugis ng mga sundalo ang mga rebelde.
The post Opisyal ng Army tepok sa sagupaan sa Surigao appeared first on Remate.