LIMANG mangingisda ng isang fishing vessel ang natagpuang palutang-lutang sa laot ng Siasi, Sulu nitong Biyernes.
Ayon sa awtoridad, tripulante ang mga ito ng LBGMA-68 na nakabase sa Cawit, Zanboanga City.
Sinasabing na-hijack ang naturang barko ng mga pirata na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito.
Tatlo sa mga labi ang nasa Zamboanga City na ngayong tanghali, habang nirerekober pa ang dalawa.
Kinilala ang mga biktima na sina Joel Salig, Walter Tutad, Pedrito Bucoy at Leonardo Decalso.
Patuloy ang imbestigasyon sa nangyari.
The post 5 mangingisda natagpuang patay sa Sulu appeared first on Remate.