Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Car bomb attack sa Iraq, 39 patay

$
0
0

HALOS 39 ang namatay habang mahigit 120 ang sugatan sa magkakahiwalay na car bombing sa Baghdad, Iraq nitong Linggo.

Naganap ang pinakamarahas na pagsabog sa Shi’ite Muslim district ng Bayaa, Baghdad, pito ang namatay at 14 ang sugatan sa pagsabog ng isang nakaparadang kotse malapit sa pagawaaan ng mga sasakyan.

Namatay rin sa kaparehong pagsabog sa Sunni district ng Taji ang tatlong iba pa habang 10 naman ang sugatan.

Patay din sa kaparehong pag-atake ang ilang taga-Radhwaniya, central Baghdad maging sa Shi’ite district ng Amel, Ghadir, Sadr City, Ameen at Hussainiya.

Wala pang grupong umaako sa pag-atake pero paniwala ng awtoridad, ang grupong may kaugnayan sa terrorist group na Al Qaeda ang nasa likod nito.

Ayon sa United Nations, ngayong taon naitala ang pinakamalalang karahasan sa Iraq sa loob ng limang taon kung saan mahigit 8,000 ang kabuuang namatay.

The post Car bomb attack sa Iraq, 39 patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>