SINALAKAY ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) ng Police Regional Office-1 (PRO-1) ang bahay ng isang barangay tanod sa Barangay Sococ, Luna, La Union dahil sa pag-iingat ng iba’t ibang uri ng baril.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni RTC Branch 57 Judge Renato Pinlac, acting executive judge sa San Carlos City, Pangasinan, pinasok ng mga awtoridad ang bahay ng suspek na kinilalang si Efren Norial, ng nabanggit na lugar.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 38. kalibre na baril, iba’t ibang uri ng bala at isang baril na hindi pa tinukoy ng mga awtoridad.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng RPSB at inihahanda na rin ang kaso laban sa kanya.
The post Tanod huli sa matataas na kalibre ng baril appeared first on Remate.