KAHIT isang lolo na ay tinarget pa rin ng kilabot na riding-in-tandem sa Basilan kaninang umaga, Disyembre 8.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Benjamin del Rosario, 70, miyembro ng Knight of Columbus at dating barangay kagawad sa Barangay Lanote, Isabela City.
Blangko naman ang pulisya kung sino ang nagkasa ng krimen pero isa sa sinisilip na motibo ay personal na galit.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-9 ng umaga sa isang bisinidad sa nasabing barangay.
Bago ito, lulan ang biktima sa motorsiklo nang pagsapit sa lugar ay ratratin ng mga suspek.
Inaalam na rin ng pulisya kung may nawalang mahalagang gamit ang biktima para matiyak kung ito ay kaso lamang ng panghoholdap.
Sa ngayon ay blangko pa ang mga pulis ng Isabela City police station kung sino naman ang nasa likod sa pagpatay sa matandang biktima.
The post Miyembro ng Knight of Columbus, inambus sa Basilan appeared first on Remate.