PATAY ang mag-utol nang makaganti ang lalaking binaril ng mga una kung saan patay din ang huli sa Caloocan City Linggo ng hapon, Disyembre 8.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang magkapatid na Pakistan at Mastura Musa, mga nasa hustong gulang, may-ari ng cellphone accessories ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.
Dead on arrival naman sa Jose Rodriguez Hospital sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan si Mike Amer, 38, store owner din ng cellphone accessories ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.
Sa ulat, alas-2:30 ng hapon, kumakain si Amer sa Basideco Market sa Phase 4, Bagong Silang nang sumulpot ang mag-utol at pagbabarilin ang una.
Kahit sugatan ay nagawang makaganti ng putok si Amer at napuruhan ang mag-utol bago dinala ang una sa JRH.
Labanan sa negosyo ang unang tinitingnang anggulo ng mga pulis dahil pareho ang mga negosyo ng mga namatay.
The post 3 patay sa barilan sa Caloocan appeared first on Remate.