HINDI isang US citizen si Sarangani Rep. at Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Ito ang kinumpirma ni Navotas Rep. at UNA Secretary General Toby Tiangco matapos mapaulat sa isang online news na si Pacman ay green card holder.
Sa isang press conference, nilinaw ni Tiangco na P-1 visa lang ang pinanghahawakan ng pambansang kamao o iyong ipinagkakaloob sa mga dayuhang atleta na pumapasok sa Estados Unidos para lumahok sa kompetisyon.
Iginiit ng kongresista na kung US greencard holder si Pacquiao ay kailangan nitong magbayad ng buwis sa Amerika sa lahat ng laban nito saan mang bansa ganapin.
Samantalang sa P1-visa anya ay nagbabayad lang ito ng buwis sa bansa kung saan ito lumalaban.
Dati pang itinanggi ni Pacquiao na green card holder siya pero sinisilip sa blog post kung bakit hindi maipakita nang buo ng kongresista ang kopya ng kanyang US tax returns para sa taong 2008 at 2009.
The post Pacquiao hindi American citizen appeared first on Remate.