Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

12-taon kulong sa pumatay ng pinsan

$
0
0

HINATULAN kanina, Disyembre 11, 2013  ng 12-taong pagkakabilanggo ng Quezon City Regional Trial Court ang isang lalaki dahil sa pagpatay sa kanyang pinsan matapos mauwi sa away ang kanilang mainitang pagtatalo apat na taon na ang nakalilipas.

Sa apat na pahinang desisyon ni Assisting Judge Genie Gapas-Agbada ng QC Regional Trial Court Branch 221, napatunayang nagkasala nang walang pag-aalinlangan si Robert dela Cruz  ng 36-F Sitio Maligaya, Brgy. Bahay Toro, Project 8, QC sa kasong pagpatay.

Ayon sa record ng korte, nag-ugat ang insidente gabi ng Agosto 21, 2009 nang ang akusado at ang kanyang pinsan na si Elbert delas Alas ay nagkaroon ng away malapit sa kanilang bahay.

Sinabi sa testimonya ng ina ng biktima na si Lolita delas Alas matapos si Elbert at ang akusado ay naawat matapos ang mainitang pagtatalo, ang kanyang anak ay pumasok na sa loob ng kanilang bahay subalit si Dela Cruz ay patuloy sa pagsasalita ng mga hindi magagandang laban sa una.

Sumugod ang biktima sa bahay ni Dela Cruz  at nakikiusap ang ina nito para maiwasan na magkaroon ng komprontasyon sa akusado subalit naging bingi ito.

Makalipas ang ilang minuto, sinaksak ni Dela Cruz sa likod ang biktima matapos magpang-abot.

Agad isinugod ang biktima sa malapit na ospital subalit binawian ng buhay makalipas ang ilang araw at nadakip naman ang akusado.

The post 12-taon kulong sa pumatay ng pinsan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


From Male to Female


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


RE: Mutton Pies (frankie241)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo Create - Video Maker & Editor 1.5.2 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Smile Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.8.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>