APAT katao ang kumpirmadong patay habang 14 pa ang malubhang nasugatan matapos banggain ng nag-overtake na dump truck ang pampasaherong jeep at motorsiklo kaninang umaga sa Marikina City.
Kinilala ang mga namatay na sina Rogelio Marasigan ng Woodpecker St., Sunridge Village, San Mateo, Rizal; Romualdo Ortiz ng #9 Kiwi St., Sitio 6, Batasan Hills, Quezon City; Juanito Autida, 45, ng South Libis, Dona Pepeng San Mateo, Rizal at isang hindi pa kilalang babae.
Nilalapatan naman ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center sina Armando de Dios, 57, ng Sta. Maria, Ampid; Justin May Sanchez, ng Sunnyville Annex; Cristeli Cayona, 13, ng Eastview, Guitnang Bayan, Roberto San Andres, 50, ng Bankers Village; Aotero Alburo, 22, ng Kalayaan, Ampid I; Analyn Lacson, 29, ng Brgy. Banaba; Francis Bieles, 38, ng Lamar Village, Guitnang Bayan; Katrina Liamson, 24, ng Mabini St. Brgy. Sta Ana; Julieta Cruz, 45, ng Daang Bakal; Cesar Nierves ng North Libis Juanito Autida, 45, ng Brgy. Banaba, pawang ng San Mateo.
Kasama ring ginagamot sa nasabing pagamutan sina Nino Santillan, 38, ng Fairview, Quezon City; Felipe Casta, 66, ng Farmers I, tumana, Marikina city at isang Jay Masirag.
Arestado naman ang mga driver/suspek na sina Bobong Dumalagan, 33, ng Southville 8, Subdivision, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal, driver ng dump truck (RHD 837) at Jay Allapitan, 32, ng Pinatubo St., Malanday, San Mateo, Rizal na driver naman ng pampasaherong jeepney (PVK 936).
Sa ulat, naganap ang insidente alas-5:30 ng umaga sa JP Rizal St., cor. Real St., Concepcion Uno, Marikina City.
Nabatid na tinatahak ng dump truck na minamaneho ni Dumalagan ang northbound ng nasabing lansangan nang biglang mag-overtake sa isang van.
Hindi naman nito napuna ang paparating na pampasaherong jeep na minamaneho ni Allapitan at nabangga nito ang kaliwang bahagi ng heading ng sasakyan dahilan para mawalan ng kontrol at sumalpok sa isang konkretong poste.
Nabangga rin ng dump truck ang paparating na Rusi Motorcycle (HY-8677) na sinasakyan naman ng isa sa mga nasawi.
Ang tatlo ay binawian ng buhay sa mismong pinangyarihan ng insidente habang ang hindi pa kilalang babae ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
The post UPDATE: 4 patay sa karambola ng sasakyan sa Marikina appeared first on Remate.