PATAY ang isang college student nang barilin nang nagti-trip na barangay tanod sa San Carlos, Pangasinan sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang biktima na si Angelo Melendez, 17, habang ang suspek ay si Alex Manuel, pawang ng nasabing lugar.
Nabatid na pauwi na ang biktima sa Brgy. Quintong nang mapagtripan ng lasing na si Manuel at barilin sa dibdib.
Agad namang nasakote ang suspek na nakuhanan ng cal. 9mm na baril.
Nabatid na lango sa alak ang suspek nang mangyari ang krimen.
The post College student utas sa tripper na tanod appeared first on Remate.