NAGLABAS na ng P100,000 reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa suspek sa pagpatay sa radio broadcaster sa Tagum City kahapon.
Mismong si Tagum Mayor Allan Rellon ang naglabas ng reward upang mapabilis ang pagkakaaresto sa killers ni Rogelio Butalid.
Ang reward ay bukod pa sa binuong task force para sa kaso ni Butalid.
Matatandaan na pasakay na ng kanyang motorsiko kahapon si Butalid mula sa kanyang morning program nang itumba ng motorcycle-in tandem sa labas mismo ng Radyo Natin sa nasabing lalawigan.
The post P.1M reward sa makapagtuturo sa killer ng radioman appeared first on Remate.