NAKATUKLAS ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng bagong variety ng ecstasy, tinaguriang isang party drug.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang bagong uri ng ecstasy ay may halong shabu, na nakasilid sa kapsula na may mga kulay.
Ito’y matapos ang isinagawang chemical analysis ng PDEA Laboratory Service sa mga nakumpiskang ebidensiya na umaabot sa 30 berdeng mga kapsula na nakuha sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City noong isang linggo.
Ang panibagong uri ng droga ay minsang tinatawag na “fly-high”, o “party” at nabibili sa mga club at party-goers at ang bagong kemikal aniya na ginagamit sa paggawa ng bagong ecstacy ay galing pa sa Southeast Asia at idini-deliver sa Pilipinas sa pamamagitan ng bulto-bultong shipment linggo-linggo.
Ang kulay ng pinaghalong ecstacy-shabu ay dark green habang ang medyo light green at brown ay naglalaman ng ephedrine, isang controlled substance at sangkap sa paggawa ng shabu.
The post Bagong variety ng ecstacy nadiskubre ng PDEA appeared first on Remate.