Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Park attendant binaril ng selosong janitor

$
0
0

SELOS ang sinasabing dahilan kung bakit binaril ng isang janitor ang isang park attendant ng Manila City Hall nang mapagkamalan ng una na kausap ng huli ang kanyang misis na may kakambal kagabi sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang bikima na si Carl Stephen Aladamo, 23, ng 517 Area H Gate 60, Arola Compound, Binondo.

Nakatakas naman ang suspek na si Robert Manalang, Jr., 22, janitor, ng Moriones corner Franco St. Tondo, Maynila.

Sa report, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Gate 58 Area H, Parola Compound, Binondo, Maynila.

Nabatid na nakikipagkuwentuhan ang biktima kina Angela Valencia, Jerome Layuso at Jayson Valencia, na hipag at bayaw ng suspek nang dumating ito at walang sabi-sabing pinaputukan ng dalawang beses ang biktima.

Ayon sa pulisya, posibleng napagkamalan ng suspek na asawa niya si Angela na kakambal ng kanyang misis at nagselos kaya binaril ang biktima.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang suspek.

The post Park attendant binaril ng selosong janitor appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>