UMAKYAT na sa 6,009 ang naitatalang patay sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kanina, 27 pang bangkay na hindi pa nakikilala ang kanilang narekober sa Tacloban, habang nanatili naman sa 1,779 ang nawawala .
Nakapako naman sa P35.5 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo habang patuloy pa ang relief at rehabilitation operations sa mga lugar na nasalanta.
The post UPDATE: Patay kay ‘Yolanda’ 6,009 na appeared first on Remate.