Rizal— Arestado ang isang babae at isang lalaki matapos maaktuhang nagtatalik sa loob ng isang multicab na nakaparada sa loob ng Ynares Center kaninang madaling-araw sa Antipolo City.
Kinilala ni Antipolo City chief of Police P/Supt. Arthur Masungsong ang mga nadakip na sina Leonard Tolosa, 27 at Ruby Ruz, 20, kapwa ng Cabrera road, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.
Ang dalawa ay naaresto ng mga kasapi ng Office of Public Safety and Security (OPSS) na sina Ernesto Francisco, Jr. at Alex Salvador na parehong nakatalaga sa Ynares Center.
Sa ulat, naganap ang pag-aresto sa magsing-irog alas-12:48 ng madaling-araw sa isang multicab na nakaparada sa loob ng Ynares Center, Capitol compound, Brgy. San Roque, Antipolo City.
Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng routine inspection ang dalawang kasapi ng OPSS nang mapansin ang pag-uga ng sasakyan na nakaparada sa north wings ng compound.
Nang kanilang tingnan ay nakita nila ang dalawa na hubo’t hubad at kasalukuyang nasa kasarapan ng pagtatalik kung kaya kanila itong inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya.
Kasong grave scandal ang isasampang kaso laban sa dalawa.
The post Magsyotang nagparaos sa loob ng multicab tiklo appeared first on Remate.