NAGBIGTI ang isang dating call center agent sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Payatas, Quezon City kaninang umaga, Disyembre 15, 2013.
Kinilala ang biktima na si Jun Samson, 35, ng Rosal St., Brgy. Payatas, QC.
Sa imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang tahanan sa 35 Rosal St., Brgy. Payatas, alas-9:30 kaninang umaga.
Natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang ina na nakabitin sa loob ng kanilang bahay na wala nang buhay.
Hinala ng mga awtoridad na may problemang personal ang biktima na hindi na nakayanan kaya nagpakamatay na lang.
The post Call center agent nagbigti appeared first on Remate.