NIYANIG ng 3.2 magnitude na lindol ang Davao del Sur at Antique kaninang hapon Disyembre 15, 2013.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang pagyanig sa silangan ng Jose Abad Santos Trinidad, Davao del Sur ala-1:42 ng hapon.
Sinabi ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 104 kilometro.
Samantala, naramdaman naman ang 3.2 magnitude na lindol sa kanluran ng Caluya, Antique alas-10:52 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 024 kilometro.
Wala namang iniulat na napinsala.
The post Davao del Sur at Antique inuga ng lindol appeared first on Remate.