TINATAYANG limang katao ang namatay matapos ang pag-atake sa isang minibus sa Nairobi na kabisera ng Kenya.
Ayon sa Interior Ministry ng nasabing bansa, kanilang kinokondena ang insidente.
Kabilang sa mga namatay ang mismong suspek.
Maliban dito ay ilang katao rin ang naitalang sugatan sa grenade attack.
“The grenade tore through the bus, blew out windows and sent debris flying into the busy street,” pahayag ng source.
Sa ngayon ay sinusuyod na ng security forces ang wreckage ng bus upang matukoy kung sino ang posibleng utak sa paghahagis ng granda.
Noong Setyembre lang nang mag-iwan ng halos 70 kataong patay ang nangyaring pag-atake ng armadong kalalakihan sa isang mall na kagagawan ng Somali terror group na Al-Shabaab, o konektado rin sa al Qaeda.
The post 5 patay sa pagsabog ng minibus sa Kenya appeared first on Remate.