UMAKYAT na sa 22 katao ang namatay matapos na mahulog ang isang pampasaherong bus sa Skyway at bumagsak sa isang closed van sa service road ng southbound lane ng South Luzon Expressway sa Taguig kaninang umaga.
Ayon sa MMDA rescue team, walo katao ang dinala sa pinakamalapit na ospital habang patuloy ang paghugot sa mga biktimang nadaganan ng nahulog na Don Mariano Transit bus na may biyaheng Novaliches-Pacita sa Laguna.
Sa panayam sa isang nakaligtas na pasahero, alas-5:30 kaninang umaga, sinabi niyang mabilis ang takbo ng bus at dahil madulas ang daan dahil sa pag-ulan kaya naganap ang aksidente.
Umalma naman ang mga pasaherong nasugatan sa mabagal na pagkilos ng mga doktor sa Parañaque Medical Center.
Samantala, sinuspinde na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe sa lahat ng 78 units ng Don Mariano Bus.
Ayon kay LTFRB chairman Winston Ginez, ito ay kasunod ng malagim na aksidente nitong umaga na ikinamatay ng tinatayang 20 katao at pagkasugat ng 20 iba pa.
Kaugnay nito, pinag-aaralan na rin ng ahensiya ang iba pang mga nakaraang aksidente na kinasasangkutan ng nasabing bus company.
Kasama sa namatay sa aksidente ay ang driver mismo ng nasabing bus.
The post UPDATE: 22 na patay sa nahulog na bus sa Skyway appeared first on Remate.