Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

7 Martilyo gang, tugis sa SM jewelry heist

$
0
0

KINAKAPA na ng awtoridad ang kinaroroonan ng lima hanggang pitong miyembro ng Martilyo Gang na nasa likod ng jewelry heist sa loob ng SM North EDSA mall sa Quezon City nitong nakaraang Linggo.

Sinabi kaninang umaga ni Metro Manila police head Director Carmelo Valmoria na ito ang lumabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon matapos mapanood ang closed-circuit television footage ng naturang insidente.

Bukod dito, naghahanap din sila ng forensic evidence mula sa crowbar at martilyo na ipinanghampas sa mga display case.

Nagpanggap aniya ang mga suspek na bibili  ng mga alahas pero nang makaporma ay binasag ang mga display case at saka humalo sa mga mamimili para makatakas.

Wala rin aniyang nagpaputok nang ikasa ang pagnanakaw at maaring ang nagpasilab ng komosyon ay ang pagbasag sa mga istante ng mga alahas.

Sa kabilang dako, isasama sa Metro Manila police’s investigation ang posibleng kapabayaan ng mall security at kahit ang police station na nasa labas ng mall.

Matatandaang isa ring katulad ng estilo ng pagnanakaw ang naganap din sa SM Megamall noong nakaraang Enero lamang.

Inaalam pa ng pulisya kung parehong grupo lamang ang may pakana noong unang panloloob at nitong nakaraang Linggo.

The post 7 Martilyo gang, tugis sa SM jewelry heist appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>