DALAWA ang sugatan kabilang ang bodyguard ni Rep. Manny Pacquiao sa nangyaring pamamaril sa General Santos City nitong Linggo ng gabi, Disyembre 16.
Nagtamo ng tama ng baril sa tiyan at kanang paa at nakaratay ngayon sa St. Elizabeth Hospital ang biktimang si Erik Persibal, 42, bodyguard ni 8th time division champ Pacquioa.
Sugatan naman sa ulo at mukha ang kasama nitong si Emy Maghanoy, 48. Ang dalawa ay kapwa residente ng Purok 5, Barangay Lagao, GenSan.
Hinahanting na ngayon para panagutin sa krimen ang suspek.
Naganap ang insidente alas-10 nitong Linggo ng gabi sa harap ng palengke ng Barangay Lagao, GenSan.
Bago ito, nag-iinuman ang mga biktima sa palengke nang biglang dumating ang isang lalaki at pinalo ng baril si Maghanoy.
Binaril naman ng suspek si Persical ng dalawang beses nang tangkang tumulong nito.
The post Bodyguard ni Pacquiao sugatan sa GenSan shooting incident appeared first on Remate.