GINAHASA na ay ninakawan pa ang isang dalagang baby sitter ng kanyang ka-textmate at saka inabandona sa loob ng isang lodging house sa Cebu nitong Linggo ng gabi.
Mula sa nasabing lodging house, idineretso agad ng pulisya ang 22-anyos na dalaga na tubong Southern Cebu sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) upang mabigyan ng karampatang lunas.
Hinahanting na ng Carbon police station para panagutin sa krimen ang suspek na kinilala lamang sa Erick, isang construction worker.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-7:45 kagabi sa isang lodging house sa lungsod.
Bago ito, nakipag-eye ball ang biktima na isang baby sitter sa Barangay Lahug sa Cebu City sa kanyang nobyo para magsimba at kumain lamang sa restaurant.
Pero dahil bagito sa lugar, hindi napansin ng biktima na ang pinagdalhan pala sa kanya ng suspek ay isang lodging house na nasa Colon Street, Cebu City.
Sa salaysay pa ng biktima, tinangka niyang manlaban pero dahil maskulado ang suspek ay nailugso ang kanyang puri.
Nang mailatag ang krimen, iniwan siya ng suspek at dahil nanghihina at nagdurugo pa ang kanyang maselang bahagi ng katawan ay hindi siya agad nakatawag ng saklolo sa lodging staff.
Kinuha rin ng suspek ang kanyang mahigit P300 at ang kanyang cellphone.
The post Baby sitter ginahasa na ninakawan pa ng textmate appeared first on Remate.