KUMPIRMADONG pinalaya na ang negosyanteng Hapones ng kanyang mga kidnaper sa Parañaque City ngayon.
Matatandaang dinukot ang 32-anyos na Hapones na si Hayato Sumi ng apat na armadong kalalakihan sa kanyang bahay noong Sabado, alas-7 ng gabi sa Brgy. Don Bosco, Parañaque City.
Kaninang ala-1 ng madaling araw nang matagpuan ng pulisya ang biktima sa Cavite.
Inaalam pa kung nagbayad ng ransom ang Hapones makaraang mabatid na una nang nanghingi ng P4 milyon ransom ang mga salarin.
The post Dinukot na negosyanteng Hapones, pinalaya na appeared first on Remate.