IISANG grupo lamang ang pinaniniwalaang nanloob sa SM North EDSA sa Quezon City nitong nakaraang Linggo at sa SM Megamall sa Mandaluyong City noong unang bahagi ng 2013.
Ani Chief Supt. Richard Albano, Quezon City Police District (QCPD) director, ang insidente sa SM Megamall noong Enero at sa SM North EDSA ay kapwa sangkot ang F & C Jewelry at The Jeweller store.
Magkapareho ang estilo ng mga suspek na pawang binasag ang jewelry display cases gamit ang martilyo na binili sa loob mismo ng hardware stores na nasa loob ng nasabing malls.
Nitong Linggo na panloloob, dalawa sa mga suspek ang namataan na may hawak na martilyo at crowbar. Sa kabilang dako naman, anim na kalalakihan ang gumamit ng wrenches para mabasag ang mga istante sa isang tindahan ng mga alahas sa SM Megamall noong Enero 26.
Bukod pa rito, sa pamamagitan ng pagkumpara sa video footage sa dalawang panloloob, lumabas na dalawa sa mga suspek ang nakita sa parehong insidente ng panloloob.
Hindi naman malaman pa kung magkano ang natangay na halaga ng mga alahas.
The post Grupo na dumale sa Megamall, bumiktima rin sa SM EDSA appeared first on Remate.