Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Drug pusher patay sa shootout sa GenSan

$
0
0

PATAY sa shootout ang isang target drug personality makaraang makipagbarilan sa anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang isinisilbi ang search warrant sa General Santos City noong Disyembre 13, 2013.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang napatay na si Midzhar Hadjirul, 36, istambay ng Kalubihan, San Roque, Barangay Dadiangas West, General Santos City. Si Hadjirul ay kabilang sa target-listed drug personality ng Region 12.

Unang nagpalabas ng warrant si Hon. Oscar Noel ng RTC branch 35 ng Kalubihan at isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO 12) sa pangunguna ni  Director Aileen Lovitos at  General Santos Joint Task Force.

Ngunit, tinangkang tumakas ng suspek matapos paputukan ng kanyang kalibre .45 pistola ang mga paparating na awtoridad.

Nakumpiska sa napatay ang mahigit kumulang sa 5 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P37,500, 10 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at buto , mga drug paraphernalia, isang kalibre .45 caliber pistol na may  magazine, isang 12 gauge shot gun, isang riot hand grenade, isang  fragmentation hand grenade  PRB423, dalawang MK2 fragmentation hand grenades, mga bala ng .9mm, .45 , .38 revolver, bala ng M-14, mga posas.

The post Drug pusher patay sa shootout sa GenSan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129