UPDATE: Kinasuhan na ang Harvard University student na nasa likod ng bomb threat sa kanilang school campus.
Ayon sa US prosecutors, naaresto ang suspek na si Eldo Kim, 20, matapos ma-trace ng Federal Bureau of Investigation sa kanyang email account ang natanggap na pagbabanta.
Batay na rin sa pag-amin ng suspek, nagawa nito ang pagpapakalat ng bomb threat emails para makaiwas sa pagkuha ng final exams.
Nakatakda namang iharap sa federal court sa Boston si Kim at posible itong maharap sa limang taong pagkakakulong.
Maaalala na napilitang lisanin ng mga estudyante, staffs at faculty ang apat na gusali ng Harvard matapos makatanggap ng email na nagsasabing may bombang inilagay sa nasabing mga gusali.
Ang Harvard University ay isa sa pinakaprestihiyosong unibersidad sa buong mundo.
The post Harvard bomb threat hoax suspect, kinasuhan na appeared first on Remate.