PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakikipag-usap sa kanyang kinakasama sa Quezon City, kagabi, Disyembre 18, 2013.
Kinilala ang biktima na si Loreto Samson, 27, ng Block 34, Lot 1, Feliciano St., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik, QC.
Tumakas naman ang dalawang suspek na riding in-tandem matapos ang pamamaril.
Ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang pamamaril, alas-9:30, kagabi sa kahabaan ng Regalado Avenue, Brgy. Pasong Putik, QC.
Nabatid sa ulat na nakikipag-usap ang biktima sa kanyang kinakasama sa labas ng kanilang bahay sa nasabing lugar nang huminto ang isang motorsiklo na sakay ang dalawang lalaki.
Bigla namang naglabas ng baril ang backride nito saka walang sabi-sabing binaril ang biktima na tinamaan sa likod ng katawan.
Tumimbuwang ang biktima dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang katawan na ikinagulat ng kinakasama nito na si Ma. Cristina de Leon.
Agad isinugod ang biktima sa Commonwealth Medical Center ngunit idineklara itong dead on arrival.
The post Kelot pinagbabaril sa harap ng kinakasama appeared first on Remate.