TODAS ang dalawang tanod makaraang pagbabarilin ng naka-bonnet na lalaki sa Barangay Lagaan, Calatrava, Negros Occidental kagabi.
Base sa pahayag ng saksing si Crisanto Suerto Jr., isa ring tanod, binaril ng naka-bonnet na lalaki ang mga biktimang sina Ludovico Lusaria at Hilarion Quezon na taga-Barangay Anii sa entrada ng plaza pasado alas-9:00 kagabi.
Nabatid na nagtatalo ang suspek at mga biktima nang biglang naglabas ng kalibre .45 ang naka-bonnet at namaril.
Habang namatay din naman ang suspek na si Eleazar Espadilla, may warrant of arrest sa kasong murder.
Sumakay pa ng motorsiklo ang suspek papatakas matapos mamaril ngunit may bumaril din sa kanya.
Wala namang makapagturo kung sino ang bumaril kay Espadilla.
Narekober ang ginamit na baril ng suspek.
Nagsilbing giya ng mga pulis ang mga biktimang tanod nang isilbi ang arrest warrant laban kay Espadilla kaya pagganti ang posibleng nakikitang motibo sa krimen.
The post 2 tanod todas sa pamamaril, suspek patay din appeared first on Remate.