INARESTO ng awtoridad ang isang retiradong Philippine Army sa bayan ng Calasiao, Pangasinan dahil sa reklamong panghahalay sa kanyang step-daughter.
Pansamantalang hindi pinangalanan ang 54-anyos na suspek na residente ng Brgy. Longos sa nabanggit na bayan na naaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong acts of lascivousness kaugnay sa panghahalay sa 15-anyos nitong step-daughter noong 2011.
Iginiit naman ng dating sundalo na ang step-daughter ang may kagustuhan ng insidente at hindi pinuwersa ang biktima.
Hindi naman matukoy ng kinakasama nito kung sino ang paniniwalaan sa anak at suspek.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisan ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.
The post Ex-army, timbog sa panghahalay sa step-daughter appeared first on Remate.