SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos hatawin ng bote ang mag-utol na may tindahan sa Valenzuela City Miyerkules ng tanghali, Disyembre 18.
Nahaharap sa illegal possession of deadly weapon, frustrated murder at attempted murder si Junnel Gabon, 26, ng Feliza Bukid, Parada.
Sa ulat, alas-12:45 ng tanghali, nagpunta si Rey Brutas, 32 sa kanilang tindahan sa Maysan Road, Maysan at naabutan ang ate na si Ena, 34 na pinukpok ng bote sa ulo ng suspek.
Nang makita naman ng suspek si Rey ay binato ng hawak na bote na tinamaan din sa ulo.
Tumakas ang suspek subalit nakahingi ng tulong si Rey sa mga nakatambay na naging dahilan upang habulin at madakip kung saan nakuhanan pa ng dalawang patalim sa dalang bag.
Dinala naman sa Valenzuela General Hospital si Ena sanhi ng pagputok ng ulo.
The post Lalaki kulong sa tangkang pagpatay sa mag-utol appeared first on Remate.