Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P4 na power rate hike pinapipigil sa SC

$
0
0

PINAPIPIGIL sa Supreme Court ng mga kongresista ang mahigit P4 na power rate hike.

Sa inihaing petition for certiorari and prohibition, iginiit ng petitioners na labag sa konstitusyon ang taas sa singil sa kuryente na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission sa pamamagitan lamang ng isang sulat at hindi kautusan, resolution o kaya ay desisyon na pwede pa sanang habulin o pigilin sa pamamagitan ng motion for reconsideration.

Kabilang sa petitioners sina Bayan Muna Representatives Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate, Gabriela Party-list Representatives Luz Ilagan at Emmi De Jesus, Act Teachers Party-list Representative Antonio Tinio at Kabataan Party-list Representatives Terry Ridon.

Iginiit  ng mga petitioner na minarapat nilang iakyat agad ito sa Korte Suprema dahil sa laki ng halaga na sisingilin ng Meralco sa mga consumer sa susunod sa 4 na buwan na aabot sa P25.64-B.

Hindi man harangin ng SC ang power rate hike, dapat anilang busisiin pa rin ng Korte Suprema ang legalidad ng Electric Power Industry Act o Epira upang maprotektahan ang interes ng publiko o ng mga gumagamit ng elektrisidad laban sa power rate increase.

The post P4 na power rate hike pinapipigil sa SC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129