PATAY ang lima katao habang pito ang iniulat na nasugatan sa naganap na sagupaan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao.
Kaugnay nito, libo-libong residente ang nagsilikas nang magkasagupa ang mga armadong grupo na nagsimula pa kahapon ng umaga hanggang kagabi.
Ayon kay 6th ID spokesman Col. Dickson Hermoso, sumiklab ang engkwentro sa pagitan ng 106th at 105th Base Command ng MILF sa Barangay Bakat, Rajah Buayan, Maguindanao.
Nabatid sa pahayag ng mga sibilyan na lima na ang namatay, pito ang nasugatan sa nagpapatuloy na kalat-kalat na sagupaan.
Sinasabing agawan sa teritoryo ang ugat sa bakbakan ng mga lider ng dalawang MILF group.
Nanawagan naman si Governor Esmael ”Toto” Mangudadatu sa liderato ng MILF na agad kumilos dahil maraming mga sibilyan na ang naapektuhan at nadadamay sa labanan.
The post 5 patay sa engkwentro ng 2 MILF commander sa Maguindanao appeared first on Remate.