Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: Zambo Sur mayor, misis, 2 iba pa tigbak sa NAIA ambush

$
0
0

MATAPOS na hindi napuruhan sa pag-atake noong 2012 at 2010, hindi na nakaligtas pa sa asasinasyon ang municipal mayor ng Labangan, Zamboanga del Sur, kanyang misis at dalawang iba pa nang ratratin ng mga armadong kalalakihan sa mismong arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Parañaque City kaninang umaga, Disyembre 20.

Naisugod pa sa pagamutan ang mag-asawang sina Mayor Ukol Talumpa at misis na hindi pa nakuha ang pangalan at dalawang iba pa pero dahil sa mga tama ng  bala sa iba’t ibang parte ng katawan ay idineklara ang mga biktima na dead on arrival.

May iniulat na kasama ng mag-asawang Talumpa ang tatlo nilang pamangkin pero hindi naman makumpirma pa kung kabilang sila sa kaswalidad o sa mga nasugatan.

Ilan din katao na nasa arrival area ang tinamaan ng bala pero hindi pa nakukuha ang kanilang mga pangalan.

Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang nagkasa ng pang-aambus pero tiniyak agad na may kaugnayan ito sa pulitika.

Naganap ang karumal-dumal na insidente alas-11:17 a.m sa arrival area ng NAIA terminal 3.

Bago ito, kararating lamang mula sa ibang bansa ang pamilya Talumpa at nakatayo sa NAIA arrival area nang pagbabarilin ng mga suspek.

Ayon sa ilang testigo, dalawa sa mga suspek ang nakasuot ng police uniform pero hindi matiyak kung ilan lahat ang mga salarin.

Noong Setyembre 2012, nakaligtas sa tiyak na kapahamakan si Talumpa matapos pasabugan ng granada sa Pagadian City.

Nang maganap ang insidente, si Talumpa ay vice mayor pa lamang ng Labangan. Kapwa nakaligtas ang mag-asawa sa nasabing  pag-atake.

Noon namang 2010, si Talumpa ay nasugatan sa isang pamamaril sa Manila.

The post UPDATE: Zambo Sur mayor, misis, 2 iba pa tigbak sa NAIA ambush appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>