NABAHALA ang grupo ng mga doktor dahil sa pabata nang pabata ang mga naninigarilyo sa bansa.
Sa isinagawang pulong balitaan sa Quezon City kanina, lumalabas na anim (6) sa walong (8) pangunahing sakit ay sanhi ng paggamit ng tobacco o paninigarilyo.
Sa Pilipinas, kabilang sa mga sakit na ito na nakamamatay ay ang heart attack, stroke, chronic obstructive pulmonary disease at lung cancer.
Batay sa pag-aaral ng mga doktor mula sa Philippine College of Physicians (PCP), nakaaalarma ang pagtaas ng bilang ng kabataan na naninigarilyo.
Ayon pa kay Dr. Tony Leachon ng PCP, na mataas ang bilang ng mga nasa na edad 13 hanggang 15-anyos na batang lalaki at babae ang naninigarilyo (17.5% at 28.3%).
Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Leachon na ang pagkakapasa ng Sin Tax Bill RA 10351 o tinawag na “Bawas Bisyo Bill” ng mga doktor ay naglalayong magmahal ang presyo ng isang piraso ng sigarilyo dahil malaking bagay ito para mabawasan ang mga gumagamit nito.
Sinabi pa ni Dr. Leachon na tataas ang kita ng Pilipinas sa pamamagitan ng buwis ng sigarilyo. Samantala, mababawasan naman ang gagamit dahil sa mataas na presyo nito.
Sa budget na P53 bilyon noong 2013 ng Departement of Health (DOH) ay tataas ito sa P84 bilyon para sa taong 2014 na base na rin sa General Appropriation Bill.
Lumalabas na nakapagtala ng 58% ang itinaas sa budget sa kasaysayan ng DOH.
Kinumpirma naman ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na simula nang mapasa ang Sin Tax Bill ay tumaas ang koleksyon sa buwis ng sigarilyo.
The post Naninigarilyo sa Pinas pabata nang pabata appeared first on Remate.