” BAGO mo kami mapatay ay ipabulok na lamang kita sa bilangguan.”
Ito ang madamdaming pahayag ng isang ina nang tangkaing hatawin ng kahoy ng lasing na anak na lalaki sa loob ng kanilang bahay kaninang madaling-araw sa Brgy. Panghulo Malabon City.
Ang suspek na nanlaban pa sa mga umarestong tanod at pulis ay kinilalang si Rodel Gallos, 38, ng 34C Gutierrez St., nasabing bangay.
Sa ulat, alas-3:30 kaninang madaling-araw nang mabulahaw ang mga natutulog na biktima dahil sa pagwawala ng lasing na suspek sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.
Base sa reklamo ng ina ng suspek na si Eliza Gallos, 65, ibinalibag ng suspek ang kaldero na may laman na kanin saka sila pinagmumura at tinangkang hatawin ng kahoy kaya agad silang tumakbo palabas ng bahay.
Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay naabutan pa ang nagwawalang suspek.
Si Rodel ay pormal nang sinampahan ng kasong attempted murder at resisting arrest sa piskalya ng lungsod.
The post Lalaki kulong sa tangkang panghahataw sa nanay appeared first on Remate.