Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Taiwanese tourist na dinukot nakita sa Sulu

$
0
0

NATAGPUAN ng elite forces ng Philippine Marines ang isang babaeng negosyanteng Taiwanese sa munisipyo ng Maimbung sa Sulu, Biyernes, na si Chang An Wei, kilala rin bilang Evelyn Chang, 58-anyos.

Ayon sa Task Force Sulu, nakatanggap ang kanilang operatiba ng impormasyon ukol sa kidnap victim na namataan sa Sitio Karija Anil, Barangay Liban kaya rumesponde at narekober si Chang.

Batay sa report, inabandona siya ng mga kidnaper.

Si Chang, ay una nang dinukot sa isang resort sa Sabah.

Sinabi ni Col. Jose Cenabre, commander ng Joint Task Force Sulu na dinukot ang biktima sa loob ng Pom Pom Island Resort sa may Sempurna, Sabah, ala-1 ng madaling-araw nitong nakalipas na ika-15 ng Nobyembre.

Dinala si Chang sa ospital para mapa-check-up at natuklasang nasa maayos naman itong kondisyon.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagdukot kay Chang.

Nobyembre 15 nang atakehin ng mga armadong lalaki si Chang at mister nito sa Pom Pom Island sa Sabah, namatay ang mister niya sa insidente na kinilalang si Hsu Lim Min, 57.

Pumunta ang mag-asawnag negosyante sa Sabah para magbakasyon bilang mga turista.

Grupo ng bandidong Abu Sayyaf ang itinuturong responsable sa nasabing insidente.

The post Taiwanese tourist na dinukot nakita sa Sulu appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>