MAHIGIT sa P1.5 milyon na ng shabu ang nasabat ng pulisya sa kanilang isinagawang buy-bust operation sa Iloilo sa ulat ngayon.
Arestado rin sa operasyon ng pinagsanib puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region VI at lloilo City Police Office (ICPO) sina Edwin Ferrer at Perio Galutin, alyas Oric ng Brgy. Balabago, Jaro, Iloilo City, pawang nasa watch list ng PDEA.
Lumalabas na galing sa Luzon ang suplay na shabu ng mga nadakip at ibinebenta sa Panay at Guimaras.
Nabatid na ilang buwan na ring isinailalim sa surveillance ang aktibidad ng mga nadakip hanggang sa mag positibo na sila sa natanggap na impormasyon.
The post P1.5M shabu nasabat sa Iloilo appeared first on Remate.