NADISKUBRE ang bangkay ng isang ginang nang umalingasaw ang nakasusulasok na amoy na nanggagaling sa kanyang bahay sa Pangasinan kaninang umaga, Disyembre 23.
Isinailalim agad sa awtopsiya ang bangkay ng biktimang si Donalyn Guilba, 32, nang may makita ang awtoridad na mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan nito.
Hindi rin isinasantabi na maaaring ginahasa ang biktima bago pinatay.
Blangko pa ang pulisya kung sino ang nagkasa ng krimen pero nangakong aalamin ang puno’t dulo nito at maging ang motibo ng salarin.
Sa ulat, natuklasan ang krimen dakong-7:45 kaninang umaga sa mismong bahay ng biktima sa Barangay Baybay Sur sa Sual, Pangasinan.
Bago ito, bukod sa hindi nila nakikitang lumabas ng kanyang bahay ang biktima ay may naaamoy silang mabaho na nagmumula sa bahay nito.
Kinutuban, naglakas loob ang ilan sa mga residente na silipin ang bahay pero para lamang mamangha dahil nakita nila ang bangkay ng kanilang kapitbahay na nakahandusay sa sahig.
The post Ginang natunton sa nakasusulasok na amoy appeared first on Remate.