Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bebot na inagawan ng motor, kritikal sa pamamaril

$
0
0

AGAW-BUHAY ang 59-anyos na babae nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek makaraang puwersahang agawin ng huli ang minamanehong motorsiklo ng una kaninang madaling-araw sa Taguig City.

Kritikal ang kalagayan sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig ng biktimang si Elvie Santos, dalaga, ng 1304-M Almeda St., Pateros sanhi ng dalawang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakasuot ng helmet sakay ng inagaw na Yamaha motorcycle (TX-4556) patungo sa hindi nabatid na lugar.

Sa ginawang imbestigasyon nina PO3 Erick Escobia at PO2 Victor Amado Biete ng Homicide Section ng Taguig police, alas-5 ng umaga nang maganap ang insidente malapit sa tapat ng bahay ng biktima sa Araneta St. Barangay Ibayo Tipas.

Sa pahayag ng testigong si Arnold Delalina, 56, residente sa naturang lugar sa pulisya, panandaliang huminto ang biktima sa naturang lugar nang lumapit ang suspek na nakasuot ng helmet at pilit na inagaw ang kanyang motorsiklo.

Nanlaban si Santos at tinangkang agawin ang baril ng suspek  kaya’t pinutukan siya ng dalawang ulit bago tuluyang tumakas, tangay ang motorsiklo.

The post Bebot na inagawan ng motor, kritikal sa pamamaril appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129