BUMATI pa ng Merry Christmas ang hindi pa kilalang lalaki na sakay ng taxi bago hinoldap ang kahero ng gasolinahan sa Caloocan City kaninang madaling-araw, Disyembre 23.
Sa pahayag ng cashier na si Edmond Dela Vega, 29, alas-3 ng madaling-araw nang batiin siya ng Merry Christmas bago tutukan ng baril at kunin ang P3,000 kita ng Shell Gasoline Station sa C-4 ng lungsod.
Sumakay sa Toyota Avanza na taxi (TXZ-568) bago mabilis na tumakas kung saan inaalam na ng mga pulis kung kanino nakapangalan ang taxi ginamit ng suspek.
The post Holdaper ‘namasko’ sa gasolinahan appeared first on Remate.