TINATAYANG mahigit na sa P5 milyon halaga ng mga ari-arian ang natupok nang lamunin ng apoy ang tatlong malaking bodega kaninang madaling-araw sa Parañaque City.
Hanggang sa oras na isinusulat ang balitang ito, nananatili pa ring umaapoy ang malaking bodegang pag-aari ng isang Willy Tieng sa Nelbros St., Barrio Ibayo, Brgy Sto Nino kung saan umabot na ang alarma sa Task Force Bravo.
Batay sa ulat ni SFO1 Vicente Aurellano ng Parañaque City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa gitnang bahagi ng bodega ng Maldives Trading dakong ala-1:10 ng madaling-araw.
Sa lakas ng pagsiklab ng apoy, nadamay din ang katabing KLG Warehouse na naglalaman ng mga kitchen wares, pati na ang gusali ng CEVA Logistics.
Aminado naman ang mga miyembro ng pamatay sunog na hirap silang apulahin kaagad ang apoy dahil pawang mga combustible materials ang laman ng bodega.
The post UPDATE: P5-M pinsala sa sunog sa Parañaque appeared first on Remate.