ONSEHAN sa droga ang sinisilip sa pagpatay sa isang jeepney driver matapos salakayin ng motorcycle-in-tandem sa Quezon City kaninang madaling-araw, Disyembre 24.
Nagtamo ng limang tama ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Roderick Laurente, 44.
Blangko naman ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) kung sino ang pumatay sa biktima pero isa sa sinisilip na motibo ay onsehan sa droga.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:45 ng madaling-araw sa tapat ng Birhen Milagrosa Chapel sa Don Fabian Street, Barangay Commonwealth, QC.
Bago ito, nakaistambay sa nasabing chapel ang biktima nang dumating ang isang walang plakang motorsiklo na lulan ng dalawang kalalakihan at saka pinbagbabaril ang biktima.
Bagama’t may CCTV sa kalapit na tindahan, sa ibang direksyon ito nakatutok kaya posibleng hindi rin nahagip ang pamamaril.
The post Jeepney driver, utas sa onsehan ng droga appeared first on Remate.