BUMIGAY na ang bus driver ng Don Mariano bus line na nasangkot sa Skyway tragedy noong Disyembre 16.
Si Carmelo Calatcat ay pumanaw alas-6:43 nitong Lunes ng gabi sa intensive care unit (ICU) ng Parañaque Doctors Hospital.
Nasa tabi ni Calatcat ang kanyang live-in partner na si Ledelyn Mondelangit at ang pinsan nitong si Efren Risomadero.
Naulila rin ng 39-anyos na bus driver ang tatlong batang anak nito na nasa Dinagat Island.
Nitong mga nakaraang araw, bahagyang naigalaw na ni Calatcat ang kanyang kamay pero nitong Linggo ay biglang nagkritikal ang kalagayan, ayon pa sa live-in partner nito.
Noong nakaraang Martes, kinasuhan pa ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) si Calatcat ng reckless imprudence resulting in multilpe homicide, multiple physical injury at damage to property dahil sa pagkamatay ng 18 katao sa aksidente.
The post Bus driver sa Skyway tragedy, pumanaw na appeared first on Remate.