Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Biktima ng paputok, umakyat na sa 21

$
0
0

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 21 ang bilang ng mga naitatalang biktima ng paputok ngayong taon.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC) ng DOH, na ang naturang bilang ng fireworks-related injuries ay naitala ng ahensiya hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 24.

Ayon kay Tayag, karamihan pa rin sa mga nabiktima ay mga bata na gumamit ng piccolo, na madaling mabili ng mga paslit kahit sa maliliit na tindahan lamang.

Kung ikukumpara noong nakaraang taon ay pareho lamang ang dami ng bilang ng fireworks-related injuries sa kahalintulad na petsa ngayong taon.

“As of Dec 24, 6:00 AM: 21 firework related injuries; 12 due to #piccolo #doh. Same number of injuries in 2012,” ani Tayag sa kanyang Twitter account.

Sinimulan ng DOH ang monitoring sa fireworks-related injuries noong Disyembre 21 kaugnay ng inaasahang paggamit ng mga tao ng paputok ngayong Pasko at sa nalalapit na pagsalubong ng taong 2013.

Patuloy pa rin ang panawagan ng DOH sa publiko na huwag nang magpaputok at gumamit na lamang ng alternatibong paraan ng pag-iingay.

Maaari ring i-donate na lamang ang inilaang pera sa pagbili ng paputok sa mga taong nangangailangan tulad ng Yolanda survivors upang mas maging kapaki-pakinabang ito at maging mas makabuluhan at makahulugan ang Pasko.

The post Biktima ng paputok, umakyat na sa 21 appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>