Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Driver na sobrang pagod, patay sa salpok

$
0
0

HINIHINALANG sobrang pagod habang nagmamaneho ang isang lalaki nang sumalpok sa kongkretong harang sa gilid ng kalsada ang kanyang minamanehong sasakyan na naging dahilan ng kamatayan nito kahapon sa Taguig City.

Dead on arrival sa Taguig- Pateros District Hospital ang biktimang si Floro Atanacio, ng 2114 Hosea St., Jordan Plains Subdivision, Barangay Sta. Monica, Novaliches, Quezon City matapos magtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jerry Ricablanca ng Taguig police Traffic Unit, naganap ang malagim na insidente alas-3:30 ng hapon sa southbound lane ng C-5 Road malapit sa Libingan ng mga Bayani.

Minamaneho ng biktima ang Mitsubishi Adventure wagon (ZNF 311) nang biglang salpukin ang kongkretong barrier na nasa gilid ng kalsada na naging dahilan upang maipit sa loob ng sasakyan ang biktima.

Kaagad namang nakapagresponde ang mga tauhan ng Taguig Rescue Team at maingat nilang hinilang palabas sa wasak na sasakyan si Atanacio upang maisugod sa naturang pagamutan.

Wala namang indikasyon na lasing o amoy alak ang biktima habang nagmamaneho kaya’t may posibilidad na inantok o sobrang pagod kaya’t hindi napuna ang kongkretong barrier sa gilid ng kalsada.

Wala ring nakikitang indikasyon ang pulisya na nagkaroon ng aberya ang sasakyan dahil hindi naman ito kabilang sa mga lumang modelo.

The post Driver na sobrang pagod, patay sa salpok appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Maganda Quotes – tagalog Quotes – Inggit Quotes


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


INUMAN QUOTES


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.