KRITIKAL ang isang panadero habang sugatan ang tatlo pang kasama matapos sumingaw at sumabog ang ginagamit na tangke ng Liquefied Petroleum Gas sa pugon sa Caloocan City, kaninang madaling-araw, Disyembre 26.
Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng 3rd degree burn sa katawan si Ayin Ensoroliso, 24, habang ginagamot naman sanhi ng mga paso sa katawan sina Rodolfo Villamor, 30; Estelita, 22 at Erwin Libon, 24.
Sa ulat, ala-1 ng madaling-araw, nasa loob ang mga biktima sa Park ‘N Go Bakery sa kanto ng Lapu-Lapu St., at Samson Road nang sinindihan ni Villamor ang pugon upang magsalang ng tinapay.
Sumingaw ang LPG hanggang sa sumabog na naging dahilan upang dalhin sa MCU kung saan naagapan naman ang paglaki ng apoy.
Inaalam na kung may pananagutan ang may-aring si Eugenio Angel Rama na sinagot naman ang pagpapagamot sa mga biktima.
The post UPDATE: 1 kritikal, 3 sugatan sa sumabog na LPG appeared first on Remate.