Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘Piccolo’ marami nang nabibiktima – DoH

$
0
0

ANG paputok pa rin na “piccolo” ang pinakamaraming nabiktima ilang araw pa bago ang pagsalubong sa Taong 2014,  ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, direktor ng National Epidemiology Center (NEC) ng Department of Health (DOH).

Kaugnay nito, iniulat ni Tayag na umaabot na sa 77 ang naitalang firework-related injuries ngayong taon, mula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 26.

At sa naturang kabuuang bilang aniya ay 37 ang bilang ng mga nabiktima ng piccolo o 51% ng kabuuang bilang ng mga naitalang biktima ng paputok.

Sa naturang 77 firework-related injuries ay 72 ang nasugatan dahil sa paputok, isa ang nakalulon ng paputok at apat naman ang biktima ng stray bullet o ligaw na bala.

Sa kabila nito, sinabi ni Tayag na mas mababa pa rin ito ng 34% kumpara sa 116 na naitala sa kaparehong petsa sa pagsalubong sa 2013.

Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa publiko na huwag nang gumamit ng paputok para sa ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa halip na ibili ng paputok ay makabubuting i-donate na lamang ito sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

The post ‘Piccolo’ marami nang nabibiktima – DoH appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129